Friday, August 17, 2007
HSA vs. HR
-Ang mga mukha ng terorismo"
Sino nga ba naman ang makakalimot sa isang teroristang atake na yumanig sa kasaysayan ng mundo. Mas kilala ito bilang 9/11 o ang pag-atake ng mga terorista sa World Trade Center ng Amerika. Eh bakit ko naman ba sinasabi ito,anung konek sa HSA? Sapakat sa pangyayaring ito nagising ang mga bansa upang bigyang pansin ang lumalang banta at panganib dala ng terorismo.
Nanguna nga dito ang USA sa pagpapatupad ng isang batas na naglalayong sugpuin at labanan ang terorismo, ito ang Patriot Act, at ang Patriot Act na ito ang sinasabing inspirasyon at idol ng pagpasa rin ng isang batas na may kaparehong layunin, wala ng iba kundi ang Human Security Act.
Pero bakit nga ba tayo’y lalayo pa sa mga pagbibigay halimbawa sa mga mukha ng terorismo eh kung sa sarili nating bansa eh laganap na ito. Natatandaan niyo pa ba ang mga ito: Rizal Day bombing, pagkidnap kay Gracia Burnham at sa asawa nito, pagpatay kay Benjamin de Jesus sa Sulu at marami pang iba. Ngayon ang malaking katanungang bumabagabag sa milyon-miyong Pilipino kabilang ako: Ang HSA nga ba ang kasagutan sa pagsugpo sa terorismo?
Waahhh!! Sa haba ng nilalaman ng HSA, sigurado ko walang magtitiyaga basahin ito ng buong-buo. Sige sa pinakasimpleng paraan na kaya ko ito ang HSA:
...Ang batas na ito ay unang batas sa ating bansa na ispesipikong umaaddress sa malateroristang gawain, ito rin ang nagbigay depinisyon sa terorismo bilang isang kriminal na gawain na nagdudulot ng takot at panic sa publiko. Ang batas na ito rin ang nagbibigay pahintulot sa mga may kapangyarihan na magkaron ng access sa mga bank accounts na maaring pinaghihinalaan na ang mga ito ay ginagamit sa mga gawain ng mga terorista. Sunod ay nagpapahintulot na i-detain ang mga pinaghihinalaan sa loob ng tatlong araw, at 40 taon lang naman ang kaukulang bilang ng taon na ilalagi mo sa kulungan. Pero oras naman na mapatunayan ka ikaw ay inosente at ikaw ay dinitained, bibigyan ka ng P500,000 sa bawat-araw.
Si Senator Juan Ponce Enrille ang sendaor na lubos na nasa likod ng batas na ito. Siya ang unang nagpanukala na magkarron rin ang bansa ng ganitong batas. At noong ika-19 ng Pebrero taong ito, ang House of Representatives ay niratipika ang Anti-Terrorism Law na nilagdaang ni butihing GMA upang maisabatas ang matagal ng ininitay na bill na maging isang batas. 172 miyembro ng majority sa kongreso ang na dumalo sa espesyal na dalawang-araw na nilaan ng kongreso ang bumoto para ito maaprobahan. Nilagdaan nga ito ni GMA noong ika-6 ng Marso upang tuluyan nang mabigyang daan ang pagsugpo sa terorismo.
"The new law is a landmark in the battle against evil waged by all freedom loving Filipinos and allies all over the world.- PGMA.
"The anti-terrorism bill is a commitment by the Philippine government to the international community." – Speaker de Venecia
Kasunod ng pagpasa ng batas na ito, hindi mawawala sa anino nito ang mga pagbabatikos, pagtuligsa, debate ng iba’t-ibang tao, sektor sa batas na ito. Napakadami na yata ang nagsabi na kesyo hindi ito makatarungan sapagkat maraming karapatang-pantao ang nilalabag at mayayapakan nito. Kaya nga ang naging titulo ng aking blog post HSA vs. HR- human rights.
Dahil dito ko tatalakayin ang mga sinasabi ngang "loopholes" ng batas na ito sa pamamagitan ng pagpresenta ng mga bagay na sinasasagasaan ng batas na ito.
- Ayon sa mga kritiko ng batas na ito, ang HSA na yata ang magbibigay ng napakalawak na sakop at kapangyarihan sa mag otoridad lalo na ang mga pulis at military., kung gayon ang HSA raw ang magbibigay daan upang magkaron ng abuse of power na siguradong magdudulot ng mga iba’t-ibang paglabag at pagyapak sa mga karapatang-pantao nating mga Pilipino. Isa pa ring tinuturong maaring maging dahilan ng abuso ng karapatan ay sapagkat kung paano binigyang depinisyon ng HSA ang terorismo ay napakalabo
- Ang Bill of Rights ang matinding nasasagasaan sa pagpapatupad ng HSA. Pero ano nga ba ang Bill of Rights? Ang bill of rights ay ang batas na naglalaman ng lahat ng ating mga karapatang-pantao. Kung gusto mo malaman ang karapatan ng bawat-isang Pilipino, dito mo makikita lahat.
- Unahin na natin ang karapatan na sinabi sa unang sekyon ng Bill of Rights na"No person shall be deprived of life, liberty, or property without due process of law, nor shall any person be denied the equal protection of the laws." ngunit sa HSA sinasabi sa SEC. 18. Period of Detention Without Judicial Warrant of Arrest na nangangahulugan na maaring arestuhin ang isang tao kahit walang maipresentang warrant of arrest ang mga pulis. Dito pa lamang kakikitaan na natin na nawawalan ang isang tao ng karapatang dumaan sa due process. Bago rin tuluyang maipasok ang isang tao sa prisinto upang makulong, mayroong panahon na tinakda upang maidala muna ng isang pulis ang kaso sa korte bago pa ipasok sa kulungan ang isang tao, iyon ay ang tinakda ng Bill of Rights ngunit sa HSA, inais na ang period na ito kung kaya’t maaring dalhin na kaagad sa prisinto ang isang tao may kaso man o wala at sa loob ng indefinite na bilang ng araw.
- Ayon naman sa section 2 ng Bill of Rights "The right of the peole to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized." O sa madaling salita dito tinutukoy ang right to privacy. Sa HSA halos lahat ng karapatan ng isang tao ukol sa privacy nito ay tuluyan nang binubura ng HSA. Paano? Una, sa Sec.13-15, maaing buksan na ang mga package, o kaya’y envelopes . Sunod, Sec.27, may kapangyarihan na ang at alamin mga otoridad na buksan, pakialamanan ang mga bank accounts ng isang tao na taliwas sa Bank Secrecy Law.
- Sa section 8 naman sinasabi na "The right of the people, including those employed in the public and private sectors, to form unions, associations, or societies for purposes not contrary to law shall not be abridged." Nangangahulugang may karapatan ang bawa’t Pilipino na magtatag ng mga organisasyon ngunit sinasabi sa HSA sa ilalim ng Section 17, ang nag-rerestrict na hindi kaagad maaring magtayo o magorganisa ng grupo o organisasyon kaagad-agad. Ngunit, karapatan natin ito?.
- Pati na rin sa REPUBLIC ACT NO. 4200 o ang Anti-wiretapping law ang nagsasaad ang pagbabawal sa wire-tapping o pagpasok sa privacy ng komunikasyon. Ngunit sa sa ilalim ng HSA, seksyon 7 maari na itong gawin ng mga otoridad na pakinggan, makialam at irecord ang pribadong pag-uusap ng mga taong maaring paghinalaan na kakabit ng terorismo.
- Ang Revised Penal Code naman ang naglalaman ng lahat ng krimeng maaring gawin ng isang tao at kabilang na rin dito ang kaukulang parusa sa particular na krimen. Kasama nga rito ang mga kasong nilabag na may kinalaman sa terorismo. Kung tutuusin, lahat na ng krimen ay nakasaad na dito nangangahulugan ang HSA ay isang redaduncy, ika nga ni Athena. Ngunit ang nakasaad na krimen at kaukulang parusa sa Revised Penal Code ay nagkaron ng mga conflict sa HSA na nagdudulot ng pagkalito kung paano mo ba talaga paparusahan at ano ba talaga ang ipaparatang na violation.
Kung hindi ako nagkakamali, pangunahing layunin ng Anti-Terrorism Law o Human Security Act, ang protektahan, pangalagaan ang ating kaligtasan...
at hindi ang tapakan, yurakan at balewalain ang ating karapatang-pantao, hindi ba?! Hindi nga ba?!
*think about it, at dito natin lahat matatanto kung tunay nga bang para sa atin at para sa ating kailgtasang ang HSA....
sanggunian:
http://www.gov.ph/aboutphil/a3.asp
http://www.chanrobles.com/revisedpenalcodeofthephilippines.htm
http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/talkofthetown/view_article.php?article_id=76703
posted by rizelle at 8:00 PM