much unhappiness has come into the world...

Saturday, August 18, 2007

HSA: Human SCURRILITY Act of 2007?


"Republic Act no. 9372… An act to secure the state and protect our people from terrorism… thereby sowing and creating a condition of widespread and extraordinary fear and panic among the populace, in order to coerce the government to give in to an unlawful demand shall be guilty of the crime of terrorism…"







Iyan ang pinakamaingay at pinakamainit na isyu sa panahon ngayon dito sa ating bansa. Kahit saan ka lumingon, usap-usapan sa bawat sulok ang Batas Republika blg. 9372 o mas kilala sa taguring ‘Human Security Act of 2007’. Ayon sa batas na ito, ang sinumang lilikha ng di pangkaraniwang takot at kaguluhan sa mamamayan upang pwersahin ang pamahalaan na ibigay ang kanilang di makatarungang kahilingan ay siyang matatawag na terorista. Eh di kung ‘yon ang pagpapakahulugan ng terorismo, paano kaya kung sumali ako sa rally ng mga estudyante para sa pagpapababa ng matrikula sa mga paaralan at biglang magkagulo dahil sa sobrang dami ng tao sa kalsadang aming binabaybay habang nagpoprotesta, terorista na din ba ako?

Tunay ngang hindi gaanong malinaw ang HSA sa nakararaming mamamayan. Tila masyadong malawak ang kanyang sinasaklaw. Marahil, iyong iba’y ‘dinedma’ na nga lang ang batas at pinaubaya na lamang sa kung sinumang may nais pang pakialaman ito. Ngunit suriin natin ang nilalaman ng HSA.

Alinsunod sa Seksyon 3 ng HSA, ang sinumang lumabag sa mga probisyong ito: Article 122 (Piracy in General and Mutiny in the High Seas or in the Philippine Waters); Article 134 (Rebellion or Insurrection); Article 134-a (Coup d‘Etat), including acts committed by private persons; Article 248 (Murder); Article 267 (Kidnapping and Serious Illegal Detention); Article 324 (Crimes Involving Destruction; Presidential Decree No. 1613 (The Law on Arson); Republic Act No. 6969 (Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Waste Control Act of 1990); Republic Act No. 5207, (Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968); Republic Act No. 6235 (Anti-Hijacking Law); Presidential Decree No. 532 (Anti-piracy and Anti-highway Robbery Law of 1974); and, Presidential Decree No. 1866, as amended (Decree Codifying the Laws on Illegal and Unlawful Possession, Manufacture, Dealing in, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunitions or Explosives), ay siyang mapaparusahan sa salang terorismo.

Ayon sa Seksyon 6, ang sinumang maging accessory o madawit sa isang terorista o pinaghihinalaang terorista ay mapapatawan ng parusang pagkakakulong ng 10 hanggang 12 taon. Dahil dito, umalma ang mga doktor at nars dahil sabi nila, kung magkataong kanilang gagamutin ang isang sugatang manggagawa dahil sa pagrarally, na ayon sa batas na ito’y isang terorista, ay matatawag na silang sangkot sa terorismo kung saan maari din silang makulong. (HAHR)

Sa Seksyon 7 naman na pumapatungkol sa surveillance of suspects and recording of communications, pwede na ang paniniktik sa sinumang pinagsusupetyahang terorista sa pamamagitan ng pagmamatayag sa kanya at pagrerekord ng kanyang mga pakikipag-usap na kung saan ito ay isang paraan ng paglabag sa right to privacy ng isang indibidwal. (BAYAN)

Ayon naman sa Seksyon 19, maari nang arestuhin at ikulong sa loob ng 72 oras ang sinumang suspek sa terorismo nang walang utos mula sa awtoridad. Ngunit ayon sa ating Saligang Batas, nararapat lamang na mayroon munang mandamyento mula sa mga opisyales bago hulihin ang sinumang naakusahan. (BAYAN)

Sa mga nabanggit, may pagkamalabo nga ang Human Security Act. Sa Seksyon 3 pa lamang, tila ‘redundant’ na ito dahil sa pag-ulit sa mga naitatag ng batas na pumapatungkol sa terorismo. Gayundin, sa mga sumusunod na saksyon, patunay lamang na ‘vague’ ang batas (HAHR) at ginagawa nitong lehitimo ang paglabag sa iba’t ibang karapatang pantao. (Bulatlat)

Ang pinakaapektado sa pagpapatupad ng HSA ay ang mga manggagawang Pilipino. Hindi naman lingid sa ating kaisipan na nagsasagawa ng rally ang mga manggagawa upang maiparating sa gobyerno ang kanilang hinaing tulad na lamang ng paghingi increase sa sohod. Dahil tuloy sa batas na ito, nalalabag ang iba’t ibang karapatan ng mga manggagawa gaya ng pag-oorganisa at sama-samang pagkilos (EILER) na siyang lumalabas na taktika lamang ng gobyerno upang busalan ang isang bansang naghahangad ng kaayusan at katapusan sa korupsyon at kahirapan. (HAHR)

At sa huli,

“The Human Security Act will definitely not feed the hungry stomach of the poor, increase the wages of workers, nor cure the crisis in the health care system. It will just create a state of fear and paranoia among the people.” (HAHR)

“With the Terror Law in place, the threat to our freedom comes from the government and no other: the state itself becomes the terrorist.” (AGHAM)


References:

Republic Act 9372 (Human Security Act)

Doctors Lambast HSA: Martial Law Comeback Condemned
HEALTH ACTION for HUMAN RIGHTS (HAHR)
http://philippinecommentary.blogspot.com/2007/03/human-security-act-of-2007.html

Human Security Act: An Unnecessary Law
BY ALEXANDER MARTIN REMOLLINO
Bulatlat Vol. VII, No. 27
http://pinoypress.net/2007/08/14/human-security-act-an-unnecessary-law/

Praymer Hinggil sa Human Security Act
ECUMENICAL INSTITUTE FOR LABOR EDUCATION AND RESEARCH, INC. (EILER)

Batas Anti-Terorismo – Resipi para sa Di-deklaradong Batas Militar
Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)

State Surveillance and the Human Security Act of 2007
(AGHAM)
* Loise

posted by group3 at 12:15 AM

Ang blog na ito ay nilikha upang bigyang boses ang mga Lasalyano
ukol sa isyu ng ipinatupad na batas na Human Security Act o
kilala rin bilang Anti-Terrorist Law.
Ito ay magbibigay ng iba't-ibang kuro-kuro ng mga Lasalyano,
maging sang ayon man ito o hindi, sa naturang batas.
Naniniwala ang mga patnugot ng blog na ito na nagsisimula ang
kalungkutan sa mundo dahil sa ilang mga kaisipan na hindi
nailalahad sa nakakarami. Lubos na iminumungkahi ng mga manunulat
sa blog na ito na dapat malayang maipahayag ang damdamin ng
bawat isa ukol sa naturang isyu upang maiparating sa kinauukulan ang
maaring maging epekto nito sa mamamayan lalo na sa mga kabataan.


  • Damasco, Mary Grace


  • Dio, John


  • Endozo, Rendon


  • Francisco, Loise
  • Malabanan, Rizelle


  • Peñaflorida, Juan


  • Ramos, Lisette


  • The Histrionic Security Act ni Isagani Cruz



  • A Song Dangerous under Human Security Act mula sa Inquirer



  • Human Security Act is Inhuman mula sa Inquirer



  • HSA: For Whose Security nila Francesca Sta. Ana at Zamanta Legados



  • Bill of Rights


  • FAQ's on HSA..


  • August 2007



    Magkomento, Umimik ka dahil
    Bawa't Opinyon Mo'y Mahalaga!!!
    Kaya't Mag-Tag na...








    Narito ang mga blog pa ng ibang grupo




    ...group 1...

    ...group 2...

    ...group 4...

    ...group 5...

    ...group 6...



    Ang mga pahayag at lahat ng nabanggit dito ay pawang mga opinyon,
    kuro-kuro at saloobin ng bawat miyembro na bumubuo sa ikatlong-pangkat.
    Respeto at pagtanggap lamang sa mga simpleng opinyon nito ang
    aming hinihingi. Kami ay pawang mga estudyante lamang, pana'y mga
    baguhan lamang sa mga pagsusuri at pagbatikos.
    Kung mayroon kayong mga bagay na gustong linawin,
    kontrahin o kaya'y batikusin, malaya kayong makapagbibigay ng opinyon
    sa pamamagitan ng aming tagboard...
    Malugod namin itong tatanggapin..

    MARAMING SALAMAT
    at MABUHAY TAYO!!!




    Ang mga taong ito ang nais namin bigyang ng pasasalamat dahil
    sa kontribusyong kanilang ipinamalas sa paggawa ng aming munting blog



  • Kay Bb. Athena para sa pagpapaunlak sa amin


  • Kay Mr. Rowie Madula dahil hindi naman ito magiging posible

    kung hindi dahil sa kanya

  • Sa lahat ng aming mga ginamit na sources
    sapagkat may naisulat kami dahil sa inyo


  • Sa mga terorista dahil sila ang inspirasyon ng HSA



  • </div>