much unhappiness has come into the world...

Sunday, August 19, 2007

Human Security Act by Rendz Endozo

Ang Human Security Act, o mas kilala bilang Anti Terror Law ay ipinatupad noong Hulyo 15, 2007. Ang naturang batas ay ipanatupad kontra sa terorismo, upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan sa bansang Pilipinas. Nangangamba ang gobyerno sa terorismong dulot ng mga samahang maka kaliwa katulad na lamang ng New People’s Army, Abu Sayyaf, Raja Sulayman Movement at ng Moro Islamic Liberation Front. Ito ang magiging panlaban ng pamahalaan sa mga impluwensya ng terorismo sa bansa. Ang batas na ito rin ang nagtakda ng kahulugan kung ano ang terorismo. Ang terorismo ay isang krimen kung saan ito ay nagdudulot ng takot sa nakakarami.

Ang paglulunsad ng batas na ito na kontra terorismo ang nakatulong rin sa mga karatig nitong bansa na lumban sa terorismo. Nakatala na ang mga grupong Islam na tulad ng Jemaah Islamiya at Al Quida ang mga nagbubunsod ng mala teroristang gawain sa South East Asia. Sinasabing ang ipinatupad na batas sa Pilipinas na kontra terorismo ay malaki ang maitutulong upang masugpo ang lumalaganam na terorismo sa Asya.

Ang Anti Terror Law ay nagbibigay ng kapangyarihan sa awtoridad na arestuhin ang mga nilalang na may kahinahinalang kilos at may potensyal na maging terorista. Ang mga mahuhuling nagplaplano ng mga terorismong gawain ay kakasuhan ng sinbigat na kaso ng mismong pagsasagawa ng plano. Nilalayon din na panghimasukan ng awtoridad ang mga pribadong transaksyon ng mga mamayan para sa “intelligence” upang mas madaling matukoy kung sino ang mga terorista.

Masasabing maganda an gang nilalayon ng batas upang masugpo ang terorismo sa bansa ngunit tunay rin na masyadong malawak ang pagtukoy nila sa kung anu ba ang terorismo. Maraming buhay ng normal na nilalang ang maaapektuhan ng nasabing batas. Dahil dito ay tuluyang mawawalan ng “privacy” ang mga mamayan. Ang pagtatago ng sino mang tao sa isang sekreto ay maaring mapagkamalang nagplaplano ng isang gawain ng terorismo. At sakali mang mapagkamalan ang isang tao na may potensyal siyang maging terorista o di kaya naman ay tumutulong lamang sa terorista o kahit na ilihim ang nalalaman tungkol sa terorista ay maaring dakipin ng hindi na kainakailangan ng warrant of arrest, at ito ay magiging ligal. Maaring ihabla ang isang tao na isang terorista at dadakipin kagad ito ng basta. Magkakaroon din ng media block out, sapagkat kokontrolin na ito ng gobyerno. Madiin na ipagbabawal sa media ang magkaroon ng kahit na anumang komunikasyon sa mga makakaliwa.

Ang mga makakaliwa na rin ay maari ng ituring na terorista maging ang mga simpleng mamayang Pilipino lamang na mapayapang nag rarally sa kalsada upang upahayag ang kanilang mga hinanaing sa pamahalaan. Maakusahan din ang sinuman na magkaroon ng transaksyon o magkaroon ng komunikasyon sa mga pinaghihinalaang terorista. Maging ang mga bank accounts ay uusisain ng gobyerno. Masasabing ang lahat ng bagay na kompidensyal ay mapapasok na ng intelligence.

Dahil dito, kahit na nakakatulong ang naturang batas upang masugpo ang lumalaganap na terorismo ay marami ang tumutuligsa dito. Sinasabi ng ilan na ang naturang batas ay nag aalis ng karapatan ng isang tao o ang human rights. Ito ay dahil sa malawak na kahulugan ng terorista na isinaad sa batas. Maaring ituring na terorista ang isang tao at dakipin nalamang ito kahit walang ibidensya. Ang paglilitis din dito ay hindi malalaman ng iba pang tao kung kaya, maari nalang ipa salvage ang mga ito kahit hindi pa nililitis.

Sinasabi ng ilan na ang pag papasa ng naturang batas ay maihahalintulad sa pag didiklara ng Martial Law. Sa panahon ng martial law ay maraming naitalang mga makaka kaliwa na bigla nalamang nawawala at namamataan nalamang patay na. Ang mga mamayan din noong martial law ay sinasabing biktima ng human rights violation. Ganoong ganoon din ang mistulang mangyayari sa Pilipinas kung ipagpapatuloy ang pagpapatupad ng Human Security Act. Parehas na sinasabi ito na para sa ikabubuti ng bayan at para sa kapaypaan at kaayusan ng bansa, ngunit kung tutuusin ay nakakasama ito sa mga mamamayan. Halos parehas ito sa martial law sapagkat ang Hman Security Act na ipinatupad ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay hango talaga sa mga batas na ipinatupad ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na ginamit upang maipasawalang bahalan ang mga karapatan ng tao at upang mapanatili ang kapangyarihan sa kamay ng kasalukuyang administrasyon. Malaking katanungan din ang bumabalot sa oposisyon kung bakit ipapatupad ang ganitong batas kung kailan mainit ang isyu ng impeachment sa pangulo.

Pinakaunang maapektuhan dito ay ang kalayaan ng mamayan ipahayag ang kanilang saloobin o pati na rin ang kanilang hinaing sa pamahalaan. Dahil sa panukalang batas na ito ay mawawala ang sinasabing Freedom of Speech sapagkat maging ang mga mamamayan na mapayapang nag aaklas sa pamahalaan ay maituturing na rin ngayon na isang gawaing terorismo. Sinasabing ang nasabing batas ay maari rin naman itong gamiting laban sa kalaban sa politika ng administrasyon. Dahil sa pag aalis ng karapatan ng tao sa malayang pamamahayag ay lalong lalakas ang kapangyarihan ng pangulo sapagkat wala ng tutuligsa at lalaban sa kanya. Hindi na niya maririnig ang mga hinanaing ng ordinaryong mamayan upang maayos ang kanilang kalagayan sapagkat maari silang kasuhan na isang terorista at maaring maipadakip anu mang oras. Hindi lamang mga sibilyan na lumalaban sa pamahalaan ang maaring ipadakip, maging ang mga taong simbahan, o kababaihan at kabataan ay maari ring ipadakip dahil sa naturang batas. Mas lalo nitong inaalisan ng karapatan ang mga manggawa, magsasaka at ang mga mahihirap. Bukod sa pag aalis ng Freedom of Speech ay ipinapasawalang bisa din nito ang Rights to Assembly ng mamayan.

Sa kabuuan ay ang Human Security Act, bagaman sinasabing para protektahan ang bayan sa mga terorista ay isang inderektang pag didiklara ng kinatatakutang Martial Law. Ito rin ay hindi naiba sa Proclamation 1017 na binatikos din ng oposisiyon. Ang pagtatag ng ganitong batas ay nagsisilbing palamuti lamang upang itago ang lihim na agenda ng pamahalaan na panatilihin ang kapangyarihan sa administrasyon. Iniiwas nga ba ng naturang batas sa kapahamakan ang mamayan, o ang batas pang ito ang mismong magpapahamak sa mga mamayan?

posted by group3 at 3:48 AM

Ang blog na ito ay nilikha upang bigyang boses ang mga Lasalyano
ukol sa isyu ng ipinatupad na batas na Human Security Act o
kilala rin bilang Anti-Terrorist Law.
Ito ay magbibigay ng iba't-ibang kuro-kuro ng mga Lasalyano,
maging sang ayon man ito o hindi, sa naturang batas.
Naniniwala ang mga patnugot ng blog na ito na nagsisimula ang
kalungkutan sa mundo dahil sa ilang mga kaisipan na hindi
nailalahad sa nakakarami. Lubos na iminumungkahi ng mga manunulat
sa blog na ito na dapat malayang maipahayag ang damdamin ng
bawat isa ukol sa naturang isyu upang maiparating sa kinauukulan ang
maaring maging epekto nito sa mamamayan lalo na sa mga kabataan.


  • Damasco, Mary Grace


  • Dio, John


  • Endozo, Rendon


  • Francisco, Loise
  • Malabanan, Rizelle


  • Peñaflorida, Juan


  • Ramos, Lisette


  • The Histrionic Security Act ni Isagani Cruz



  • A Song Dangerous under Human Security Act mula sa Inquirer



  • Human Security Act is Inhuman mula sa Inquirer



  • HSA: For Whose Security nila Francesca Sta. Ana at Zamanta Legados



  • Bill of Rights


  • FAQ's on HSA..


  • August 2007



    Magkomento, Umimik ka dahil
    Bawa't Opinyon Mo'y Mahalaga!!!
    Kaya't Mag-Tag na...








    Narito ang mga blog pa ng ibang grupo




    ...group 1...

    ...group 2...

    ...group 4...

    ...group 5...

    ...group 6...



    Ang mga pahayag at lahat ng nabanggit dito ay pawang mga opinyon,
    kuro-kuro at saloobin ng bawat miyembro na bumubuo sa ikatlong-pangkat.
    Respeto at pagtanggap lamang sa mga simpleng opinyon nito ang
    aming hinihingi. Kami ay pawang mga estudyante lamang, pana'y mga
    baguhan lamang sa mga pagsusuri at pagbatikos.
    Kung mayroon kayong mga bagay na gustong linawin,
    kontrahin o kaya'y batikusin, malaya kayong makapagbibigay ng opinyon
    sa pamamagitan ng aming tagboard...
    Malugod namin itong tatanggapin..

    MARAMING SALAMAT
    at MABUHAY TAYO!!!




    Ang mga taong ito ang nais namin bigyang ng pasasalamat dahil
    sa kontribusyong kanilang ipinamalas sa paggawa ng aming munting blog



  • Kay Bb. Athena para sa pagpapaunlak sa amin


  • Kay Mr. Rowie Madula dahil hindi naman ito magiging posible

    kung hindi dahil sa kanya

  • Sa lahat ng aming mga ginamit na sources
    sapagkat may naisulat kami dahil sa inyo


  • Sa mga terorista dahil sila ang inspirasyon ng HSA



  • </div>