Sunday, August 19, 2007
Republic Act 9372, Martial Law na Naman Ba?
Usap-usapin ngayon ang isang bagong batas na inilabas ang gobyerno. Pinasa ng mga congresista at mga senador at siya namang inaprubahan ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo noong ika-6 ng Marso taong 2007. Ito ang tinatawag na Human Security Act of 2007 o ang Act No. 9372. Ang sinasabing batas ay ipinatupad noong ika-15 na Hulyo ng kasalukuyang taon din.
Simple lang naman ang layunin ng batas na ito - ang labanan ang terorismo o ang anumang banta nito sa bansa ang pangunahing layunin. Marapat na protektahan ang mga mamamayan at mga kagamitan ng bansa. Ito ay ginawa upang mapanatili ang kaayusan sa ating bansa. Ito ay idineklara ng mga tao laban sa kahit anung klase ng terosismo. Ano nga ba ang tinatawag na terorismo?
Sa diksyunaryo, ang ibig sabihin ng terorismo ay paninindak o pananakot. Sinasakop ng kahulugan ng terorismo dito sa batas ang mga sumusunod: (1) panunulisa at panghihimagsikan sa dagat o piracy and mutiny in the high seas or in Philippine waters; (2) rebelyon (3) insureksyon (4) kudeta (5) pagpaslang (6) pangkikidnap (7) paninira o destruction .
Sakop naman sa paninira o destruction ang mga sumusunod : (a) pagsunog o arson (b) pagkalat ng nakalalasong kalamnan o toxic substances (c) Republic Act No. 5207 o ang Atomic Energy Regulatory and Liability Act of 1968 (d) Anti-Hijacking Law (e) Anti-Piracy and Anti-Highway Robbery Law of 1968 (f) Illegal Possession of Firearms.
Ang batas na ito ay nagbibigay ng karapatan sa mga awtoridad na dumakip o hulihin ang sinumang napaghihinalaang isang terosista. Ayon sa batas, ang sinumang tao na mahuling may ginagawang pananakot ay maaaring manatali sa kulungan sa loob ng (40) na taon. Ibang usapan naman kung may kasamang kasapi dahil ang sinumang mahuling kasangkot ay ipapakulong sa loob sa 17 na taon 4 na buwan at 1 araw hanggang 20 na taon. Maraming mangyayari sa loob ng isang taon. Paano pa kaya sa loob ng ganoong karaming taon? Maski sinuman na may sinasabing kasngkot sa mga terorista ay hahatulan ng pagkabilanggo. Sa kabila noon, maari namang ikumpiska ang mga bagay na pwedeng mapagkuhanan ng edidensiya. Maaring irecord ang paguusap at pakinggan din ang paguusap sa telepono. Pinahihintulutan ng gobyerno ang mga pulis na gumamit ng mga instrumento upang mairecord ang usapin ng mga sinasabing terorista. Ngunit, hindi maaring irecord ang usapin sa pagitan ng mga abogado at kliyente, doctor at ang pasiyente, journalists at ang kanilang sources at confidential business correspondence. Ito ay nakakabastos sapagkat dapat magkaroon ng privacy ang mga nabanggit dahil ang usapin ay maituturing confidential. Ang pagsadyang pagsunog sa isang gusali o bahay ay naisama na rin sa gawaing terorismo. May mga negosyo na kapag nalulugi ay ginagawan ng paraan para masunog ang gusali o pagawaan nang paaksidente upang makakulekta ng fire insurance. Maaari ding gawin ito ng taong may galit sa isang tao o korporasyon at binabalak sunugin ang bahay, gusali o pagawaan ng kanyang kaaway. May mga tao din na wala sa hustong pag-iisip na nangha-hijack ng eroplano upang takutin ang gobyerno na ibigay sa kanila ang kanilang demand. Ang mga manggagawa na wala namang ibang paraan para humingi ng pagtataas ng sweldo kundi mag-rally sa Liwansang Bonifacio o di kaya sa Plaza Miranda ay maaari na ding ituring mga terorista. Sa madaling salita, hindi na mailalabas ang mga hinain ng mga mamamayan sa gobyerno. Ang batas na ito ay nagbibigay ng oportunidad na kontrolin ang bawat galaw ng mga mamamayan.
Ang batas ay maaring magdulot ng magandang resulta sa ating bansa. Kilala naman ng lahat ang MILF at ang mga Abu Sayyaf. Maaring ipinatupad ang nasabing batas dahil sa pangangamba sa mga naturang grupo ng mga terorista sa bansa. Naging biktima na ng nasabing mga terorista kamakailan lamang sina Angelito Nayan at Angelito dela Cruz. Hangarin ng gobyeno na hindi na maulit ito. Dahil sa batas na ito, masisiguro ng lahat ang katahimikan sa bansa. Mababawasan ang mga krimen dahil sa naturang batas.
Maaring maganda nga ang layunin ng batas ngunit maraming maapektuhan dahil sa pagpapatupad ng batas na ito. Sa kabila ng magandang naidudulot nito, marami rin ang hindi sumasangayon o tumututol dito. Hindi klaro ang depenisyon ng salitang teorista dito. Malawak masayado ang pagtukoy sa salitang terorista Maraming mga simpleng taong namumuhay sa bansa ang maapektuhan.. Hindi na magiging pribado ang buhay ng mga mamamayan dahil naka-wire tap na ang bawat diskusyon ng mga pinaghihinalaang tao maski sa telepono. Paghihinalaang terorista ang mga taong may nililihim kahit wala naman itong koneksyon doon. Ang mga mapatunayang may sala ay huhulihin maski walang warrant of arrest ang mga dadakip sa kanya. Ang mga napatunayan namang walang sala ay bibigyan ng limang daang libong piso bawat araw ng detensyon. Sa gayong lagay, nararapat nga bang maging isang batas ang Human Security Act? Anung klaseng pananakot ang maaring sabihing isang paraan ng terorismo? Sino nga ba ang maituturing talagang mga terorita? Ito ay ilang katanungan ukol sa batas.
Si Joma Sison, tagapayo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at pangulo ng International Coordinating Committee ng
International League of People's Struggle ay naglabas ng reaksyon. Sinabi niya na ang batas na ito ay parte ng labang pangkamunduhan na kasapi sa pasista at terorismong gobyerno na pinamumunuan ni Pres. George W. Bush ng Estados Unidos. Sa tingin ni Sison, ang Pangulong Arroyo ay isa lamang tuta na kayang paikutin o hawakan ng imperiyalistang Amerikano. Bukod dito, sabi si Sison ay ginagamit na daw ng gobyerno ang military, pulis , pwersang paramilitary at mga “death squads” para panakot o pandakip. Ginagawa na daw ito upang siguruhing mapalaganap ang ikaliligtas pampulitikal ng pamahalaang Arroyo. Maasahan daw ng mamamayan na gagamitin ng gobyerno ang mapangaping batas na ito bilang lisensya para labagin ang mga karapatang pangkatao.
Si Athena ay aming kinapayam ukol sa karagdagang impormasyon sa Human Security Act. Siya ay against dito pero yung ideya ng ng anti-terrorismo ay walang kaso sa kanya. Ito daw ay dapat paguukulan ng pansin. Ang Human Security Act ayon sa kanya ay tinugma sa Patriot Act ng Amerika. Ang Patriot Act ng USA ay pinasa noong 2001 matapos mangyari ang isang gawain ng terorismo noong 9-11. Sinasabing maaring hindi lang daw mangyari yung 9-11 sa USA kung hindi sa ibang bansa din.
Matapos basahin at suriin ang batas na ito, makikita na maaaring isipin ng taong bayan na ang R.A. 9372 ay isang prelude na magdeklara ng Batas Militar para ipagpatuloy ang pamahalaang Arroyo katulad ng nangyari nuong panahon ni Pres. Marcos.
Ang batas na ito ay may maganda ngang maidudulot ngunit mas madami ang masamang maidudulot. Maraming maapektuhan at dadami ang tututol. Marapat lamang na hindi maging abusado ang mga may kapangyarihan. Sana nga lang ay talagang hindi ipapahamak ng batas na ito ang nakararaming mamamayan.
Pinagsanggunihan:
Analysis: Anti-terrorism Act is a License for and Weapon of State Terrorism
By Prof. Jose Maria Sison
Batas Anti-Terorismo – Resipi para sa
Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
www.bayan.com
posted by group3 at 5:24 AM