much unhappiness has come into the world...

Sunday, August 19, 2007

Human Security Act

Madalas na nating naririnig ang salitang terorismo pero hanggang ngayon ay wala pa rin tinatanggap na kahulugan talaga nito. Ang pangyayari noong 9/11 ay isa sa mga alam na alam ng mga tao na terorismo. Ito, ang terorismo, ayon sa batas na human security act ay mga gawain na nagbibigay ng takot at panic sa mga tao, at pag give in ng gobyerno sa unlawful demands. Ang human security act o Republic Act No. 9372 ay batas na ginawa dahil laganap na ang terorismo sa kasalukuyang panahon. Ang batas na ito na ang tinatalakay ay terorismo ay isa sa mga usapin at pinagtatalunan ngayon. Ang kanilang pagpapakahulugan ay hindi malinaw kaya’t ang salitang terorismo ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay depende sa taong nakakita o nakarinig nito.

Maraming tao ang may ayaw sa batas na inilabas tungkol sa terorismo dahil pati ang mga estudyante, mga blogger, mga journalist at iba pa na malayong maging terorista ay maaaring mapagbintangan na terorista. Sinasabi kasi sa batas na ito na terorista rin ang isang tao na may kaalaman sa plano o kahit na ano tungkol sa mga terorista. Paano na lang kung wala naman silang balak maging parte talaga ng terorismoat hindi sinasadya na malaman nila? Hindi ito makaturangan kung ganun. Isa pa ang gobyerno ay hindi maaaring kasuhan ng terorismo. Maaaring ang isang myembro ng isang grupo ng terorismo ay nasa gobyerno.

Isinasaad rin sa inilabas na batas na ang isang tao ay maaaring arestuhin kahit na siya ay pinaghihinalaan lang at wala pang sapat na ebidensya. Paano na yung presumption of innocence? Pwede rin ma-house arrest ang isang tao kahit na walang matibay na ebidensya na siya ay guilty. Hindi siya maaaring gumamit ng cellphone, computer o kahit na anong kagamitan na instrumento ng komunikasyon. Pwede siyang makulong hanggang tatlong araw. Ang human security act ay masyadong malupit.

Bibigyan ng 500,000 compensation ang taong napaghinalaan sa bawat araw na siya ay nakakulong nang dahil sa maling hinala. Makabubuti ito para sa taong pinaghinalaan dahil malaking halaga ng pera ang kaniyang makukuha pero sa bansang Pilipinas ito ay makakasama. Mababawasan ang pera para sa mga tao at maipambabayad ito sa naakusahan. Mababawasan ang pera ng dahil sa maling akala at dahil sa batas na human security act. Masyadong malaki ang halaga na ibabayad nila. Dapat bawasan nila ito dahil kailangang-kailangan ng Pilipinas ang pera.

Sinasabi rin sa batas na maaaring tignan ang bank accounts kung pinaghihinalaan na yung pera ng isang tao ay ginagamit para sa terorismo. Paano na lang kung mali sila? paano na ang confidentiality nung tao? Dapat ang mga ganitong bagay ay hindi na nila sinasama. Dapat ay bigyan naman nila ng privacy ang mga tao. Mas stringent pa ang law na ito kaysa sa Anti-Money Laundering Act of 2001. Sa tingin ko hindi na kailangan tignan ang bank accounts lalo na kung pinaghihinalaan pa lang ang isang tao at wala pa silang nakukuha na sapat at matibay na ebidensya.

Ang human security act na batas na pinasa nila ay maraming “grammatical errors” na pwedeng maging butas. Halimbawa ay may anumalyang nangyayari, maaari mapa-ikot ng mga terorista ang batas at hindi sila maaresto kahit na may mga ginagawa na sila na makakasama sa mga tao. Maaaring makagawa ng anumalya ang ilan kung sila ay magaling sa pagpapaikot ng batas pero kahit na ganun ay hindi sila maaresto dahil sa pagiging magaling nila. Karaniwan pa naman sa mga terorista ay magaling sa mga ganitong bagay at sanay sa pagpapaikot ng mga bagay-bagay at mga tao.

Ang human security act ay isang eksaherado at hindi organisadong batas. Sa kaunting bagay na magawa ng isang tao ay maaari na siyang mapagbintangan o makulong nang panandalian dahil sa paghihinala lang na siya ay parte ng isang grupo ng mga terorista. Hindi ito makatarungan sapagkat ang isang tao ay maaaring arestuhin kahit na walang matibay na ebidensya. Paano na lang ang mga taong hindi aware sa batas na ito? Maaari silang mapagbintangan sa kaunting pagkakamali na nagawa nila na wala silang kaalam-alam ay masama na pala.

Makakabuti ang human security act sa atin sapagkat mababawasan ang mga terorista at ang terorismo ay hihina subalit ang batas na ito ay marami rin masama na maidudulot sa mga Pilipino. Pati ang mga taong hindi naman talaga kasama sa mga terorista ay maaaring makulong ng dahil sa maling akala. Isa pa napakalaki ng compensatin na sana ay magagamit pa ng gobyerno natin sa ibang bagay. Sa aking palagay mas maganda at makakabuti sa ating mga Pilipino kung aayusin pa nila ang nasabing batas. Dapat isipin nila ng mabubuti ang magiging epekto ng batas sa Pilipino pati na rin ang magiging reaksyon nila sa nasabing batas nang hindi magkagulo. Dapat ay tignan nila lahat ng anggulo lalo na ang makakabuti talaga para sa mga mamamayan ng Pilipinas.


-Lisette Ramos

posted by group3 at 9:01 PM

Ang blog na ito ay nilikha upang bigyang boses ang mga Lasalyano
ukol sa isyu ng ipinatupad na batas na Human Security Act o
kilala rin bilang Anti-Terrorist Law.
Ito ay magbibigay ng iba't-ibang kuro-kuro ng mga Lasalyano,
maging sang ayon man ito o hindi, sa naturang batas.
Naniniwala ang mga patnugot ng blog na ito na nagsisimula ang
kalungkutan sa mundo dahil sa ilang mga kaisipan na hindi
nailalahad sa nakakarami. Lubos na iminumungkahi ng mga manunulat
sa blog na ito na dapat malayang maipahayag ang damdamin ng
bawat isa ukol sa naturang isyu upang maiparating sa kinauukulan ang
maaring maging epekto nito sa mamamayan lalo na sa mga kabataan.


  • Damasco, Mary Grace


  • Dio, John


  • Endozo, Rendon


  • Francisco, Loise
  • Malabanan, Rizelle


  • Peñaflorida, Juan


  • Ramos, Lisette


  • The Histrionic Security Act ni Isagani Cruz



  • A Song Dangerous under Human Security Act mula sa Inquirer



  • Human Security Act is Inhuman mula sa Inquirer



  • HSA: For Whose Security nila Francesca Sta. Ana at Zamanta Legados



  • Bill of Rights


  • FAQ's on HSA..


  • August 2007



    Magkomento, Umimik ka dahil
    Bawa't Opinyon Mo'y Mahalaga!!!
    Kaya't Mag-Tag na...








    Narito ang mga blog pa ng ibang grupo




    ...group 1...

    ...group 2...

    ...group 4...

    ...group 5...

    ...group 6...



    Ang mga pahayag at lahat ng nabanggit dito ay pawang mga opinyon,
    kuro-kuro at saloobin ng bawat miyembro na bumubuo sa ikatlong-pangkat.
    Respeto at pagtanggap lamang sa mga simpleng opinyon nito ang
    aming hinihingi. Kami ay pawang mga estudyante lamang, pana'y mga
    baguhan lamang sa mga pagsusuri at pagbatikos.
    Kung mayroon kayong mga bagay na gustong linawin,
    kontrahin o kaya'y batikusin, malaya kayong makapagbibigay ng opinyon
    sa pamamagitan ng aming tagboard...
    Malugod namin itong tatanggapin..

    MARAMING SALAMAT
    at MABUHAY TAYO!!!




    Ang mga taong ito ang nais namin bigyang ng pasasalamat dahil
    sa kontribusyong kanilang ipinamalas sa paggawa ng aming munting blog



  • Kay Bb. Athena para sa pagpapaunlak sa amin


  • Kay Mr. Rowie Madula dahil hindi naman ito magiging posible

    kung hindi dahil sa kanya

  • Sa lahat ng aming mga ginamit na sources
    sapagkat may naisulat kami dahil sa inyo


  • Sa mga terorista dahil sila ang inspirasyon ng HSA



  • </div>