Monday, August 20, 2007
Human Security Act Ulit
Human Security Act o mas kilala sa tawag na HSA… Diba? Napakaganda basahin at pakinggan? Kung wala kang alam tungkol diyan ay iisipin mo na tila maganda ang nilalaman ng batas na yan. Iisipin mo na ang hangarin ng batas na ito ay protektahan ang mga mamamayan at pangalagaan ang bawat isa sa atin. NGUNIT… ito na po ang ngunit…Nakakatuwa at nakakatawa dahil kung ano ang ginanda ng katawagan sa nasabing batas na Human Security Act ay ang di kaayun-ayon na mga probisyon na nilathala ng nasabing batas. Aakalain mo na napakaganda ng batas na ito pero kung pag – aaralan mo ng mabuti ito, kakikitaan ng maraming butas ang Human Security Act. Susubukan kong magbahagi ng ilang probisyon na nabanggit sa Human Security Act na para sa akin ay mga butas na dapat tanungin , suriin, pag-aralan at bigyan ng pansin ng mamamayan.Una sa lahat, dito sa Human Security Act, ang paglalarawan ng isang terorista ay napakasimple. “A terrorist is someone who causes fear.” Napakasimple ng paglalarawan sa isang terorista. Ito ay isang kahinaan sa nasabing batas dahil pinapakita na halos lahat o kahit sino sa atin ay puwedeng maging isang terorista. Siguro, maganda ang hangarin ng batas mismo upang mawakasan na ang banta ng terorismo sa ating bansa pero sa aking pananaw, hindi tama ang Human Security Act.
Sumunod na dito ay ang pagbabawas ng “privacy”. Ayon sa Human Security Act, papayagan nito ang “wiretapping” kung saan maari mong malaman ang lahat gamit ang makabagong teknolohiya. Isa itong malaking kamalian dahil ang bawat mamamayan ay may karapatan mamuhay ng pribado. Masasabi natin na ang Human Security Act ay tinatanggalan ka o kung hindi man ay binabawasan ang iyong karapatang pantao at isang dahilan na dito ay ang puwede pasukin ang iyong pribadong buhay. Dahil dito, hihina na ang ating media at mawawala na ang freedom of the press. Isa pa naman itong paraan upang malaman natin ang opinyon ng bawat tao. Sa tingin ko mawawalan na ng saysay ang pagbabalita kung hindi tayo magiging bukas sa ating mga iniisip. Dahil sa batas na ito, magiging limitado na lamang ang ating mga sasabihin. Ang media ay iiwas na magbalita ng mga bagay na magbibigay takot sa mamamayan kung sakaling mapatupad ang Human Security Act. Ito naman ay sa aking palagay lamang. :)
Isa pang pagbabawas ng karapatan pantao sa nasabing batas ay ang agarang pagaaresto sayo kung ikaw ay pinaghinalaan. Sa aking opinyon, hindi na makatao ang ganoong pamamaraan. Diba nga, lahat ng tao ay may karapatan at dapat hindi iyon tinatapakan ng kahit sino.
Isa pa pa sa pinakamalaking katanungan tungkol sa Human Security Act ay kung bakit hindi dito kasama ang gobyerno sa uri ng terorista. Hindi binibigyang pansin sa Human Security Act ang mga puwedeng gawing gawaing terorista ng gobyerno. Kung iisipin natin, ang batas mismo ay isang uri na ng terorismo dahil ito ay nakapukaw ng pansin at nabalita na may kasamang mga isyu at katanungan.
Hindi dapat binabaliwala ang karapatang pantao kahit anung bagay pa man ang inuusig. Lahat tayo ay parepareho at wala tayong karapatan maging mas mataas sa iba. Karapatan ng bawat mamamayan ang dapat unang pinapahalagahan. Hindi naman tayo mga hayop na kapag napagbintangan lamang ay dadakpin at kung nagkamali ay bibigyan nlng ng kung anu – ano para makabawi. Masyadong maraming madidismaya sa batas na ito dahil sa mga nakatalang probisyon dito.
Sa aking opinyon, maganda ang hangarin ng Human Security Act. Kahit sino naman ay matutuwa na mawala na ang terorismo sa ating bansa at syempre mas masaya sa buong mundo pero panaginip lang ito at mananatiling panaginip. Sa mga probisyong sinaad sa Human Security Act, masasabi ito ay pagpapakita ng kapangyarihan ng gobyerno sa mamamayan. Maihahalintulad mo ang Human Security Act sa Martial na pinatupad noong panahon ni Marcos. Parang kamag-anak na kung maituturing ng Martial Law ang Human Security Act.
Ang Human Security Act ay masasabi kong isang paraan ng lantarang pagmamalabis at pagpapakita ng bulok na sistema ng gobyerno. Halatang halata sa Human Security Act mismo ang isang kamalian ng isang batas. Punong – puno ng butas ang nasabing batas. Bago pa lang ito naipatupad ay maraming intriga na ang sumalubong ditto. May mga grupo na rin ang nagtanong tungkol sa batas na ito na ang tanging hangarin lamang ay malinawan tungkol sa Human Security Act. Ang iba naman ay tinatanong ang mga probisyong nakalahad sa nasabing batas. Tinutuligsa nila ang bawat punto ng batas. Ayon sa kanila, napakasimple raw ng pagkakalarawan sa mga puntong ito. Sa halip na makatulong ang nasabing batas ay nagbibigay ito ng mga usapin at isyu sa mga taong ninanais mawakasan ang terorismo. Ang Human Security Act ay napaka-“one-sided”. Para kasing lahat na puwede maging terorista maliban sa gobyerno. Diba ‘dun pa lang, makikita na natin na hindi makatarungan ang batas na ito? Ayon sa mga kritiko, iyon ang isang pagkakamali ng batas na ito sa kadahilanan na ang ginagawa ng gobyerno ay isa ring banta ng terorismo kung pagbabatayan natin ang ibig sabihin ng terorismo sa Human Security Act.
Ang comment ko? Magkamag-anak nga ang Martial Law at Human Security Act.
Pati pala batas ngayon ay nanganganak na. :)
-JOHN DIO ~_~
posted by group3 at 2:22 PM